r/FirstTimeKo • u/TemporarySignal6433 • 14h ago
🕯️First and last! first time ko umiyak sa plane
Di naman talaga ako iyakin, as in bilang lang talaga sa isang kamay ilang times ako umiyak ever.
Pero iba to e, kakagaling ko lang nag bakasyon sa pinas at iba talaga sa feeling na makasama ko ulit tropa after so long. Iyakan sila sa airport nung hinatid nila ako lalo na bespren ko pero di naman ako umimik.
Nung nasa plane na ako, nag decide akong basahin yung mga messages nila sakin at wrong move ako dyan. Unang message pa lang tumulo na yung luha at dun nako humagulhol. Parang la na akong pake sino makarinig sakin kasi naging emotional ako hahaha.
Hindi na nga ako kumain kasi panay iyak na lang ako to the point na hindi na ako makahinga haysss miss ko lang friends ko.